ylliX - Online Advertising Network
Abante Tonite Logo

Scottie Thompson, Jayson Castro, Maxine Esteban aprub sa 1Pacman


Sa simpleng simula noon ng karera nina Scottie Thompson at Jayson Castro, may mga kamay na tumulong sa kanila para maabot na maging Philippine Basketball Association star ngayon.

Nag-umpisa sa wala, pero nagtiyaga, sikap, at sa ayuda ng tao na handang dumamay, nasisiyahan na ang dalawa sa kanilang tinatahak na tagumpay. Pagkakataon naman nilang gumanti.

At sa buong kaalaman na malayo ang mararating ng mga batang atleta kung may kaagapay lang, hindi nag-atubili sina Thompson at Castro, pati sina Filipino-Ivorian Olympian Maxine Esteban na maging kaalyado ng 1Pacman Partylist na misyong ipagpatuloy ang pagsuporta sa mga potensiyal na atleta para Philippine sports sa hinaharap.

“They’re into sports. Alam natin, sa ‘Pinas, sobrang need natin ng support sa sports, not just basketball, not just the Gilas but all kinds of sports na talagang tutulungan para umunlad,” bulalas nitong Huwebes ni Thompson sa 1Pacman na pinangungunahan ni Capita1 co-owner at partylist first nominee Milka Romero.

Nagustuhan ng Barangay Ginebra San Miguel guard ang 1Pacman dahil sa adbokasiya nitong alalayan ang mga mahihirap na kabataan, gaya ni Esteban na tinulungan din ni Romero sa pagsaklolo sa mga atleta ng Olongapo na sumali noong isang taon sa Batang Pinoy.

“I think kasama na sa generation natin ngayon, alam naman natin na as long na tumutulong and as long as doing the right way, yung intentions nila maganda para sa sports so truly blessed ang mga athlete na may mga ganun, tumutulong para sa amin,” hirit ng 2021 PBA Most Valuable Player.

Sa parte ni Castro, ang misyong pagtulong sa mga batang manlalaro ay malapit sa kanyang puso. Isa na ang minsang natanggap na tulong at gabay, lalo na kay incumbent 1Pacman Rep. Mikee Romero.

“Since first campaign ni Boss Mikee nandon na ako so maganda ang programa nila para sa mga kabataan sa sports. Kung ‘di mo na naitatanong isa rin sila sa tumulong sa akin nung PBL days ko so ‘yun ang give back ko sa kanila kasi sila rin naman ang unang tumulong sa akin,” pagtatanaw-balik ng TNT playmaker.

Umaasa si Castro na sa pamamagitan ng 1Pacman, mas matutulungan ang PH sports, lalo na ang mga malalayong lugar sa kapuluan.

“Maraming mga athlete na mga less privileged na hindi nabibigyan ng mga opportunity na ipakita o i-showcase ang talent nila. So at least nandiyan ang 1Pacman para tulungan sila,” dagdag ng two-time best point guard sa Asia.

Kahit ang anak na ni Mikee na si Milka ang gigiya sa 1Pacman, tiwala si Castro na ipagpapatuloy nito ang pag-alalay sa PH sports, lalo na sa grassroots at sa women’s sports.

“Kung makikita mo before, hindi ganun popular ang women in sports. So ngayon at least yung PVL, volleyball, football, mga ibang sports pa na sa mga women, at least nabibigyan na ng boses, nakikita na and nasa-showcase nila ang talent nila which is malaking bagay yun,” sey ni Castro

“At least through Cong. Mikee ngayon na si Milka, sana mas maraming matulungan sila.”

Dinagdag naman ni Esteban: “It’s really my advocacy kasi kahit naman ‘di ako pinalad na ma-represent ang ‘Pinas sa Olympics, ipinangako ko talaga sa sarili ko na I want to be relevant in PH sports and really to help athletes here in the Philippines.” (Abante Tonite Sports)



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *