ylliX - Online Advertising Network
Abante Tonite Logo

Grace Poe: Cash ayuda `di dapat sikreto sa mga tao


Binigyang-diin ni Senador Grace Poe na dapat ang mga government cash assistance programs ay malawakang ipaalam sa publiko lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan nito.

Sinabi ni Poe, chairperson ng Senate Committee on Finance, kapag may extra cash o kapasidad ang gobyerno para sa social welfare programs, susuportahan ito ng Senado basta sustainable at accessible sa mamamayan.

Ayon kay Poe, hindi dapat sikreto o confidential ang programang pantulong ng gobyerno at dapat alam ito ng ating mga kababayan, dahil para sa kanila ito.

Iginiit ng senador na ang mga assistance program na idinadaan sa mga ahensiyang tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay hindi dapat selective o namimili, at dapat umaabot sa mga benepisyaryo gaya ng mga mahihirap na pamilya at mga nangangailangan ng tulong para makabangon sa buhay.

Sa ngayon, nakatutok ang deliberasyon sa plenaryo ng Senado sa mga isyung may kinalaman sa cash aid at iba pang social welfare programs na nakapaloob sa panukalang national budget sa 2025 na nagkakahalaga ng P6.352 trillion.

Bagama’t hindi kasama sa Senate version, tatalakayin pa rin umano ng kapulungan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP). (Reymund Tinaza)



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *