ylliX - Online Advertising Network
Abante Tonite Logo

Batas sa illegal drugs amyendahan; media eekis na testigo


Tinukuran ng National Press Club (NPC) ang panawagan ni House Deputy Majority leader Rep. Erwin Tulfo, ng ACT-CIS Partylist, na humihikayat sa Senado na maghain ng panukala upang matanggal na ang media sa mga testigo sa mga drug related cases, bilang bahagi ng inventory team.

Napapanahon ayon kay NPC President Leonel Abasola na maamiyendahan ang naturang batas dahil na rin sa panganib na hatid nito sa mga media personnels, gayundin sa dalang hassle nito sa kanila dahil sa pagdalo sa mga pagdinig.

Anang NPC president, “Napapanahon na po na maamiyendahan ito dahil na rin sa nalalagay sa panganib ang buhay ng media.”

Tiniyak naman ni Abasola na tinalakay na ng NPC at iba pang stakeholders ang naturang isyu sa isang consultative meeting sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS).

Samantala, nagpahayag naman si Cong. Erwin ng pasasalamat sa NPC dahil sa kanilang suporta at sinabing, “Nagpapasalamat po ako sa NPC dahil suportado nila ang aking panawagan na huwag nang isama o gawing testigo ang mga mamamahayag sa operasyon ng droga dahil nanganganib po ang buhay ng mga dati kong kasama sa hanapbuhay.”

Matatandaang bagamat aprubado na ng Kamara ang pag-amiyenda sa Section 21 ng Republic Act 9165, wala pa namang naihahaing ganitong panukala ang Senado.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *