ylliX - Online Advertising Network
Abante Tonite Logo

Bagong fire station na world class pinasinayaan sa Marikina


Pinangunahan ni Marikina 2nd District Representative Stella Luz A. Quimbo ang pagbubukas ng isang bagong fire station at pagbigay ng fire truck sa Nangka, Marikina.

Ang proyekto, na nagkakahalaga ng P 15 milyon, ay naglalayong mapabuti ang kaligtasan at kahandaan ng mga residente laban sa mga sakuna, partikular na ang mga sunog.

Sa seremonya na ginanap noong Disyembre 14, 2024, sa 36 Langka St., St. Benedict Subdivision, Nangka, Marikina isinagawa ang turnover ng bagong Nangka Fire Station 6, kasama ang isang fire truck, na nagkakahalaga ng P 14,982,000.00. Ang bagong fire station ay papalit sa dating mas maliit na pasilidad na tanging container van lamang ang gamit sa pag-responde sa mga sunog. Ito ang dahilan kaya nagpatayo si Rep. Quimbo ng isang bago, maluwag, at world-class na fire station kasama ang bagong fire truck na agarang reresponde sa komunidad.

Dumalo rin sa pagpapasinaya si Congressman Miro Quimbo, Marikina City Fire Marshal FSUPT Nestor C. Gorio, at iba pang mga key officials mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at lokal na pamahalaan.

Ayon kay Rep. Quimbo, ang proyekto ay tugon sa mga kamakailang sunog na naganap sa lungsod at kakulangan sa mainam na pag-responde sa sakuna.

“Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, natutugunan natin ang pangangailangan ng mas maayos at mas modernong fire station na magsisilbing unang depensa laban sa mga kalamidad,” ani Quimbo.

Ang seremonya ay natapos sa isang MOA signing at isang pahayag ng pasasalamat mula sa mga dumalo at mga kinatawan ng BFP.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *