ylliX - Online Advertising Network
Abante Tonite Logo

Arvin Jhon Paciones umiskor ng unanimous decision win


NAGPATULOY ang malinis na kartada ni rising boxing star Arvin Jhon “The Sniper” Paciones matapos na dominahin si Chinese boxer Xiang Li sa unanimous decision ng kanilang 12-round light flyweight bout, habang ibinulsa naman ni Reymond “Robocop” Yanong ang Asian Boxing Federation lighwetight belt sa pamamagitan ng second round knockout nitong nagdaang Huwebes sa Spaceplus Bangkok RCA sa Bangkok, Thailand.

Nagpakita ng iba’t ibang uri ng pambihrang suntok ang 19-anyos na tubong Cebu City upang upakan nang husto ang Chinese boxer, higit na ang mga malulutong na jabs hanggang sa kabuuan ng 12 rounds upang makuha ang pagpabor ng mga huradong sina Carlos Costa (120-108), Pinit Prayabsab (119-109) at Chalerm Prayabsab (119-109) at manatiling undefeated sa 10-0 rekord kasama ang limang panalo mula sa KOs.

Tatapusin ng Ho Chi Minh City-based boxer ang kanyang kampanya ngayong taon na may 3-0 rekord matapos talunin rin sina dating Thai light fly at super flyweight titlist Wanchai Nianghansa ng Thailand (19-15, 13KOs) sa first round KO at dating IBF minimumweight champion Rene Mark “Mighty Mouse” Cuarto sa 10-round split decision noong Hunyo 29 sa IPI Compound sa Mandaue City sa Cebu.

Itinumba naman ng 30-anyos na si Yanong ang Thai boxer na su Phayom sa 2:17 ng second round para ilista ang kanyang ikatlong sunod na panalo at ikalima sa anim na laban na nakamit ang huling pagkatalo laban kay Yesimuhan Yeerkan ng China na ginanap sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City bilang kanyang unang laban ngayong taon.

Naiangat ng tubong Escalante City, Negros Occidental ang kanyang kartada sa 16-10-1 (win-los-draw) kasama ang 11 panalo mula sa KOs.

Bago ang panalo ay nagawang talunin ni Yanong sina Ruibin Yu ng China sa majority decision at Chinese boxer Xinqiang Zhao sa eight-round split decision nitong Setyembre at Nobyembre sa Thailand.

Ito ang unang korona ng 5-foot-7 orthodox boxer na residente ng Paranaque City matapos naunang mabigo sa mga dating title fights para sa Philippine Games and Amusement Board super lightweight kontra Jheritz Chavez noong Marso 10, 2018 at WBC Asian Continental laban kay LeQuan Wang noong Enero 25, 2023, na kapwa nauwi sa knockouts. (Gerard Arce)



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *