ylliX - Online Advertising Network
Abante Tonite Logo

DICT inalarma bagong scam sa QR code


Nagbabala sa publiko ang isang opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa isang bagong scam gamit ang QR code.

Sa panayam ni Pinky Webb sa programang “On Point” sa Bilyonaryo News Channel, sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na na-monitor ang bagong modus sa Indonesia at umabot na ito hanggang sa Europe.

Kaya hindi aniya malaking sorpresa sakaling makarating din sa Pilipinas ang QR code scam.

“May bagong modus operandi pala ngayon, na-monitor sa Indonesia hindi pa naman natin namo-monitor sa Pilipinas, na-monitor na rin sa Europe and this is tinatakpan yung QR Code ng isang personal QR Code,” ayon kay Dy.

“Di ba when you’re trying to pay thru GCash for example….. naka-post sa pader, naka-post sa palengke, bayad ka sa GCash or sa PayMaya so yung QR Code ngayong iki-click mo, yun pala it doesn’t go to the person you are trying to pay it goes to someone else,” paliwanag pa ng opisyal hinggil sa QR code scam.

Kung kaya’t importante aniya na tama ang hawak na QR code para hindi mabitag sa ganitong modus.

“How do you make sure na tama `yung binabayaran mo, halimbawa bibili ka sa Starbucks, `di ba may binibigay sayong device? Ibibigay sayo, ‘dito ho kayo magbayad’ that’s safer than a QR Code that’s posted on the wall, which can be changed by anybody else,” sabi ni Dy.

“Or pagka-click mo ng QR Code ipakita mo muna sa kahera, ‘is this right?’ nandun naman `yung initials eh. ‘Tama po ba?” dagdag pa niya.

Pinayuhan nito ang publiko na huwag basta mag-click ng links mula sa mga natatanggap nilang message dahil isa itong paraan na ginagamit ng mga scammer para manakaw ang account information. (Billy Begas)



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *